Sunday, November 17, 2013

Miss Hope

Joyce Edrozo


Wala na akong pag-asa.

(black-out)

* * * * * * * * * *

Hindi ko alam kung bakit pero ito at nakaupo ako, nanonood.



Katulad sa Miss Universe, may judges. There are just three of them, puro artista. Ang isa ay ipinakilala sa pangalang Red Andresa, isang matipunong lalaki. Ang sumunod ay isang babae na masasabing nasa edad 20-25 at suot ang isang sky blue dress at ang ang huli ay isang Edward Salazar na tila isang businessman sa uniform nito na may dilaw na laso.

At katulad din sa Miss Universe, may isang pares ng hosts, isang lalaki at isang babae. Nakangiti sila- sa akin. Nakatingin din sila sa akin na tila ba ako lang ang nanonood.

"Good evening!" bati nila.

Napatingin ako sa aking relo- 6 am pa lang.

At isang masigabong palakpakan at hiyawan ang pinakawalan ng crowd. Napalingon ako at doon ay nagulat ako sa nakita ko. Hindi magara ang damit ng mga manonood, walang alahas, walang make-up. Mas maayos pa pala ang suot kong uniform. Ang mga nasa likod ko ay butas-butas ang mga damit, naka-sando at shorts ang marami, putikan ang iba't ibang parte ng katawan at doon lamang napansin ng aking ilong na ang amoy nila ay tila ba naligo sila sa dagat ng basura.

Matapos nito ay ibinalik ko ang aking titig sa stage. Hanga ako sa tibay ng mga ilong ng hosts at judges. Hindi man lang sila nagtatakip ng kanilang ilong o nagwawagayway ng kamay para itaboy ang baho. Clueless ako sa nangyayari at mangyayari kaya naman wala pa rin akong reaction- hanggang sa sabihin na lamang ni babae ang line na:

"And so there were three of them. Let us now call our beautiful contenders for the last part of this contest..."

Mabilis na na-register sa utak ko ang word na last. Last part? Kanina pa ba nagsimula ang contest? At ano ba ang contest na ito?

...at agad namang dinugtungan ni lalaki ang sinabi ni babae.

...the Q and A!"

Q and A na. But sigurado ako na ang contest na ito ay hindi Miss Universe.

"So let us now welcome our candidates for tonight."

At mula sa backstage ay isa-isang lumabas at rumampa ang tatlong babae papunta sa gitna ng stage then papunta sa kanang bahagi ng stage. Matapos ang isa-isang pagrampa, sila ngayon ay nasa iisang row na lamang.

"Contestant number one, Ms. Janet Bariles. Kindly come here for our question,"  wika ni babae.

At marahang nagpunta pakaliwa si contestant number one sa saliw ng bigla na lamang na pag-boo  kanya ng crowd. Masakit sa mata ang orange gown niya at makikita nating tago sa blangko at paminsan-minsan niyang pagngiti ang kaba. Hawak na ni lalaki ang card na naglalaman ng mga tanong para sa contestants.  Ramdam ni lalaki ang kaba ni contestant number one kaya naman kinamusta niya muna ito.

"What do you feel right now, contestant number one?"

"I feel confident," sagot nito. At bigla na lang namula ang ilong nito kaya naman nag-boo ang crowd.

Isang titig sa crowd at pinakawalan na ni lalaki ang tanong para kay contestant number one.

"So here is your question. Do we have to be honest all the time? If yes, what then is the importance of honesty? If no, why not?"


At iniabot sa kanya ang microphone. Nag-boo na naman ang crowd.

Lalong nakaramdam ng kaba si contestant number one kaya naman nakatitig lang ito sa crowd na para bang nakain niya ang sarili niyang dila- hanggang sa binitawan na niya ang kanyang sagot.

"Hindi ko po alam. Hindi ko po matandaan. I invoke my right."

At lalong nag-boo ang crowd na hindi mo malaman kung alam na nilang ito ang isasagot ni contestant number one o disappointed dahil alam nila na hindi dapat ito ang isagot niya.

"Thank you contestant number one. Let us now call contestant number two- Ms. Yolanda Zorayda," wika ni babae.

Bumalik na nga si contestant number one na patuloy sa pagpapakawala ng pilit na ngiti sa saliw muli ng patuloy ring pag-boo ng crowd na kulang na lang ay magtapon ng kamatis sa kanya. Nang makabalik si contestant number one sa lugar niya ay si contestant number two naman ang lumapit. Mayabang ito sa black gown at make-up niya at ang kayabangang ito ay pinatibay at ipinakita pa ng kanyang lakad, titig at ngiti na tila ba nais bantaan ang crowd ng, "I-boo niyo ako at lagot kayo sa akin."

Nang makalapit na si contestant number two ay inulit na naman ni lalaki ang ginawa kanina, isang titig sa crowd then bitaw ng tanong.

"Now, contestant number two, kindly listen to the question. What do you consider as the most beautiful part of your body?"

At oo nga, confident  ito sa pagsagot lalo pa at hindi nagawang mag-boo ng crowd.

"Thank you for that wonderful question. That is actually a hard one for I think all parts of me are beautiful."

Nang masabi ang mga ito ay humangin ng malakas lalo pa nang napako ang titig niya sa dalawa niyang kalaban at ang akala nating tapos nang pagsagot ay ipinagpatuloy.

"But what I actually consider as the most beautiful of them all is my eyes. Why? There is no need to explain so. But if the need to explain persists, then I would say that the reason for choosing my eyes as the most beautiful part of me is because they are parts of my head, the head most fit and deserving to bring home the crown."

"Thank you contestant number two and now, let us call contestant number three, Ms. Perla Silang," wika ni babae.

Nang masalubong ng pabalik na si contestant number two si contestant number three ay nagbigay ito ng mayabang na ngiti at titig na nagsasabing, "Hindi ka mananalo."
Nang makarating sa tabi ng hosts ay nag-sign of the cross ito, bagay sa white gown niya.

"So contestant number three, here is your question. What are the qualities that all men of a country should have?"

Tahimik ang lahat sa isasagot ni contestant number three pero dapat mas akma sigurong sabihin na mas nanahimik ang crowd nang sumagot na siya.

"Thank you for the question Sir. With all these timely and timeless issues and disasters happening, the qualities that we should have are the following. 

First is awareness of what are happening around us for it is only with this that we can find the changes to be done, the questions to be answered, and our role. 

Second, all men of a country should cooperate with each other overcoming all those differences that cut them followed then by generosity which should be rooted from volunteerism. Individually, all of us should be packaged with honesty, to do the right thing and follow the rules even if no one is around. 

Most of all, we should have a strong will to rise again in all inevitable failures in life, in fact, optimism to proceed despite difficulties, a faith in our country and its rich products and diverse culture, a faith that should be as strong as our faith with God and at last, this optimism is also about..."

Natigilan siya at akala ko ay na-mental block siya pero ito pala ay dahil sa hinanap niya ako para titigan ako sa susunod niyang sasabihin.

"...appreciation, being thankful for what we have, what we still have greater than what we do not have and what we lost, that there are always fortunate and more fortunate. This should be the root of all of us to think, speak, and act. When the time comes that this and all those other qualities mentioned earlier are possessed, it will only be the right time to say that we can indeed stand our pride."

Di ko alam kung ano ang ibig sabihin ng titig niyang iyon sa akin. Tila nangungusap siya subalit ano ang nais niyang sabihin?

Nawala ang tanong na ito nang bumalik siya sa lugar niya sa pagsasabi ni lalaki ng, "Thank you contestant number three."

Sa paglakad pa nga ni contestant number three sinusundan niya ako ng tingin.

Ilang minuto pa at kinuha na ng hosts sa judges ang papel na naglalaman ng scores nila sa bawat contestant, ang papel na naglalaman ng pangalan ng nanalo sa contest na hindi ko alam kung ano ang pinaglalabanan.

At announcement na nga.

"We now have the name of our winner and that is..." pabitin ni babae.

Binitin muna kami. Drums. Sigawan ng crowd. Then...

"Contestant number three, Perla Silang!" bitaw ni lalaki.

Nagpasabog ng confetti at mula sa wala ay dumating ang isang matandang babaeng nakasalamin, nakadilaw, may dilaw na laso, at may nakapatong na korona sa ulo. Gaya ng inaasahan, ipinasa nito ang korona sa nanalo at ang naiba lang ay ipinasa nito ang dilaw na laso gamit ang isang pin para ikabit ito sa damit ni Ms. Perla Silang.

At naghiyawan at nagtilian ang crowd. Sasabog na ang lugar. Matitibag na ang mga pader. Hindi ko alam kung bakit pero humihiyaw at tumitili na nahawakan at nalaro ko pa ang mga kamay ng katabi kong batang lalaki na mula sa pagkagulat  niya ay sumama na rin sa paglundag ko.  Hindi ko na alintana ang markang iniwan niya sa mga palad ko.

Natahimik na lang ako ng sabihin nang sa wakas, masagot na ng hosts ang tanong ko.

"Congratulations Ms. Perla Silang, this year's Miss Hope. See you next year. Good night everybody."

"Miss Hope?" tanong ko sa sarili ko.

Pero ang tanong palang ito sa isip ko ay nakalaya sa aking bibig kaya naman narinig ito ng katabi ko.

"Miss Hope. Opo, Miss Hope po."

"Miss Hope? Ano naman iyon? Bakit may ganyan? Ginaya ang Miss Universe?"

"Hindi  po tayo nanggaya. Ang Miss Universe po. Ilang daang taon na rin po ang contest na ito. Hindi pa po ba kayo nakakapunta rito?  Invited naman po ba kayo dito di ba? Iyan nga po at may nametag din po kayo."

At itinuro niya ang isang nametag na naka-pin sa uniform ko pero kanina ay wala naman. Naroon nga ang pangalan ko. At nang ibalik ko ang tingin ko sa kausap ko ay may nametag na rin siya- Eric.

 

 "Ngayon lang din po kami nakanood. Hindi po ba maganda ang contest na ito? Ang nanalo ay magbibigay ng pag-asa sa ating lahat at kahit sa inyo po mismo. Sige po, aalis na po kami."




At sa pamamaalam niya ay dumami ang mga tanong ko. Sino ang kasama niya at nasabi niya ang salitang "kami?" Bakit ko kailangan ng pag-asa? Bakit niya sinabi ang salitang "aalis" at hindi "uuwi?"

At nang napansin kong tahimik na ang lugar ay napalingon ako- baha. Ang lugar ay binaha. Lumulutang ang mga tao sa baha na para bang nagpo-floating. At napatingin na lang ako sa palad ko. Dugo. Nang pakiramdam ko ay nanghihina ako na para bang mahihimatay, lumapit sa akin si Ms. Perla Silang.

"Saan po sila pupunta?"

Ang sagot niya ay isang turo ng isang daliri sa isang maliwanag na pinto.

"Saan po sila pupunta?"

Pero di siya sumagot.

"Doon din po ba ang daan ko pauwi?"

Napangiti siya at tinangay niya ang isa kong kamay at nagpunta kami sa stage then sa likod ng curtains at nakarating na kami sa isang tuyo at sementadong kapatagan kung saan nakatayo ang isang payat at matangkad bakal. Doon ay nakita ko ang tatlong judges. Naghawak-hawak sila ng mga kamay at sabay-sabay na tumakbo na para bang lilipad. At oo, lumipad nga sila. Naging isang lawin na papunta sa bakal na iyon. At tinangay muli ni Ms. Perla Silang ang isa kong kamay at narating namin ang isang pinto na may maliit na label sa itaas na bahagi nito- "NOWHERE OR SOMEWHERE" at may tatak naman na isang malaking question mark. 

Ano ito? May tanong na kailangang masagot para buksan ang pinto?

"Makinig ka. Ikaw ang sagot sa pintong ito. Pagpasok mo sa pintong ito ay wag ka nang lumingon. Tandaan mo. Ikaw ang sagot pero ikaw din ang may sagot at sa pagsagot mo sa lahat ng bagay, kasama mo ako. Kumapit ako sa iyo dahil kailangan kita at pero nang tumakbo tayong dalawa, kumapit ka rin sa akin. May tiwala ako sa iyo kaya magtiwala ka rin sa akin. Wag mo kakalimutan. Isipin at alalahanin mo ako lagi- gaano man kahirap. Gaanon man din kahirap, kalingain at mahalin mo ako gaya ng pagkalinga at pagmamahal ko sa iyo. Humayo ka na."

Akma na sana akong pupunta sa pinto nang pigilin niya ako para harapin ako sa huling pagkakataon at ngitian. Nagulat ako pero mas nagulat ako nang alisin niya ang korona niya sa ulo at ipinatong ito sa ulo ko. Inalis din niya ang dilaw na laso na naka-pin sa damit niya at nilagay sa bulsa ng aking uniform. At walang anu-ano ay hindi ko na lamang namalayan na umandar ang aking katawan para yakapin siya ng kay higpit at ganoon din siya sa akin. Pero natapos ito nang bitawan niya ang mga salitang,

"Sige na. Baka ma-late ka na naman."

"Ma-late?" tanong ko.

"Basta," nakangiti siyang sagot.

At patakbo na nga akong nagtungo sa pinto, pinihit ang doorknob at tuluyan nang binuksan ang pinto kung saan sinalubong ako ng nakasisilaw na liwanag sa saliw ng isang pamilyar at nakakainis na ingay.

Binubulabog na pala ako ng aking alarm clock kaya agad ko itong pinatay. Papaalis na pala ako dapat ng bahay pero natulog pa ako ng kaunti sa sofa. Naiwan kong bukas ang tv at gaya ng inaasahan, ang balita ay ukol sa mga nasalanta ng bagyo. Ito at ipinapakita sa tv ang mga nakaligtas na ngayon ay nananawagan sa mga minamahal nila. Papaalis na sana ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses na nagpabalik sa akin sa harap ng tv. Ang matindi pa rito ay hindi lang niya kaboses ang taong tinutukoy ko pero nang humarap ako sa tv ay nalaman kong kamukha niya rin ito. Ibinawas lang ang gown at ginawa siyang gusgusin.


"Ma, buhay pa po ako. Maayos naman po ang kalagayan ko dito kahit wala na si Carl, si Nikki, at si... Eric. Ma, kaya natin ito..."

Naputol na ang pagsasalita ng babae dahil sa hindi na nito napigilan ang pagsabog ng luha niya.  


Nang bitawan ng babaeng ito ang pangalang Eric ay nanlamig ako. At nang tumindig ang balahibo ko ay nag-alab ang damdamin ko. Napuno ako ng galit sa mga buwayang dapat itapon sa baha pero mas higit pa rito ay nanaig ang pagnanais kong puntahan at yakapin sa mga oras na ito, hindi ko man siya kilala, ang babaeng nanawagan sa tv. Gusto ko siyang tulungan. Gusto ko silang tulungan.

Gusto ko pa sanang manood kung hindi ko lang napansin ang oras sa bandang baba ng tv. Male-late na ako. Bahala na si Batman. At thanks God, hindi ako male-late. At nang malapit na ako sa gate ay doon ko na lang naalala ang lahat ng mga problema ko- ang pasaway kong groupmates sa iba't ibang subjects, ang nasira kong puso sa kahapon lang palang break-up, ang exams ko na ngayon pala,  ang nanay ko na ayaw akong payagang sumama sa field trip, at ang higit sa lahat na ngayon ay pinakanangangailangan ng atensyon at solusyon ay ang i.d ko na gaya ng dati ay naiwan ko pala sa sobrang pagmamadali.

At gaya nga ng dati, kailangan kong bolahin si manong para makapasok. Pero bago ang bolahan, hinalukay ko muna ang bag ko at baka nasa loob nito ang i.d ko at masayang lang ang efforts ko subalit wala sa bag ko kaya naman sa mga bulsa ko naman hinanap. Wala sa palda at wala rin sa uniform ko pero may iba akong nakapa at natagpuan sa bulsa ng aking uniform- dilaw na laso!

Nang maka-recover na ako sa pagkagulat at pagngiti ay hinanda ko na ang sarili ko para kay manong at aba, himala- hinayaan niya akong makahabol sa flag ceremony. Agad akong nagpunta sa dulo ng aming pila.

Iba ngayon ang dating sa akin ng prayer namin. Hiniling ang aming katahimikan para umano sa mga nasalanta ng bagyo at sa katapatan ng mga nasa pamahalaan sa pagpapadala ng tulong at paghawak ng nalikom na pera. Kung dati ay nagdadaldalan lang kami sa pila, ngayon ay ipinikit ko ang aking mga mata, nanahimik at mataimtim talagang nanalangin na para bang may kamag-anak o kaibigan akong nasalanta. Kung dati ay puro reklamo at hiling lang ang laman ng aking mga dasal, ngayon ay nagpasalamat ako. Nagpasalamat ako sa kalagayan ko ngayon. Mapalad ako, mas mapalad pa sa kanila- sa babaeng nanawagan sa tv kanina at lalo kay Eric at sa iba pang nanood ng Miss Hope.

Sa sobrang taimtim ng aking panalangin ay hindi ko namalayang naluha ako at nagsimula na pala ang pag-awit sa Lupang Hinirang. Sa pagdilat ko na may nangingilid pang luha, luha para sa mga nasalanta at para na rin sa lahat ng problema ko at sa lahat ng may mga problema dahil alam kong lahat ay may problema, napangiti na ako nang makita ko ang payat, matangkad at kinakalawang nang bakal kung saan naroon ang watawat ng Pilipinas, patuloy na kumukumpas sa saliw ng hangin, umulan man o umaraw. Kupas man ang bakal na kinatitindigan nito ay buhay naman ang tatlong kulay nito na siguro ay pwede ko na na ring idagdag ang puti bilang ikaapat na kulay. Sa pagkanta ko sa pambansang awit ay lumaya at lumipad ang aking isipan at nakita ko ang sarili kong dala ang watawat ng Pilipinas sa gitna ng malakas na ulan, tinatalo ang ingay na gawa ng ng ulan gamit ang aking boses para isigaw ang mga salitang,


"Kaya ko ito! Kaya natin ito! Pilipino tayo! May pag-asa pa! At tayo iyon!"

Image Sources:

1 comment:

  1. Ang galing kung panong na-incorporate ang tatlong malalaking mga balita.

    ReplyDelete