Toffer Garcia-TiƱa
Note: All things that will be mentioned here below are certified TRUE.
Note: All things that will be mentioned here below are certified TRUE.
5:
Isang gabi,
sinabi sa amin ni Mama na magsabit ng medyas sa may bintana. Nagtanong ako,
"Bakit?"
Hindi siya
sumagot. Hanggang sa nang gabing iyon ay natulog na ako. (I really do not stay
awake when it comes to waiting for Christmas.) Nagising na lamang ako dahil sa
isang ingay na nagmumula sa may bintana.
Nakita ko si
Santa Claus na naglalagay ng mga tsokolate at kendi sa sinabit naming mga
medyas. Napangiti ako pero agad din akong nagtaka. Ang kwento ni Mama noon, si
Santa raw ay mataba at higit pa rito, lalaki.
"Hindi
ikaw si Santa!" sigaw ko.
"Ho ho
ho," pilit na tawa ng manloloko, ginagaya ang halakhak ni Santa Claus.
At noon ay
nilapitan ko ang manloloko para pitasin ang kanyang manloloko ring balbas at
sumambulat sa akin noon ang mukha ni Mama.
Naiyak siya.
At noon ay nagising na rin si Kat.
Naiyak si
Mama dahil sa dalawang dahilan. Una, dahil alam kong lalaki si Santa Claus ay
lagi na akong maghahanap simula noon ng isang lalaking Santa Claus at iyon ay
ang nawawala kong tatay. Ikalawa, simula noon, natakot siya na baka hindi na
ako maniwala kay Santa Claus.
6:
Nang taong
iyon ay walang nagpapaligaya sa akin kung hindi ang pagpunta ng aming pamilya
sa SM at ang pagbibigay ni Mama ng mga regalo sa akin gaya ng mga bagong damit.
Subalit
natapos ang lahat ng ito nang dumating si Karen. Hindi na kami nakapunta sa SM
dahil sa mahirap magsama ng naka-wheelchair sa SM. At noon ay wala na akong
natanggap na regalo mula kay Mama.
7:
Isang gabi,
habang nanonood kami ng tv ay may narinig ako sa labas. Mga batang kumakanta.
Agad lumabas si Mama at nagbigay ng sampung piso.
"Ma,
ano iyon?" tanong ko.
"Karoling,"
diretso niyang sagot.
"Karoling? Ano iyon?" follow up question ko.
"Kakanta ka, bibigyan ka ng pera o kendi," maikling paliwanag ni Mama.
"Karoling? Ano iyon?" follow up question ko.
"Kakanta ka, bibigyan ka ng pera o kendi," maikling paliwanag ni Mama.
"Pwede
ba akong mangaroling?"
Hindi
sumagot si Mama. At noon (hanggang sa mga sumunod na taon) ay wala akong
hinintay kung hindi ang matamis na oo ni Mama na hindi ko alam kung bakit hindi
niya magawang ibigay sa akin.
8:
Sa hindi ko
matandaang dahilan, nakasakay kaming dalawa ni Mama sa jeep nang biglang...
Isang
gusgusing bata ang sumakay sa jeep para magbigay ng sobre at magtambol kasabay
ng pagkanta nito.
Naglagay ng
pera sa sobre ang marami pero si Mama ay tila isang estatwang walang naramdaman
o narinig.
Bumaba ang
bata.
"Pwede
palang mangaroling sa jeep?" tanong ko.
Hindi
sumagot si Mama at napatingin ang mga tao. Hindi ko nga lang alam kung sa akin
ba o kay Mama.
9:
Naglayas
ako. Sumama ako noon kay Tita Marie sa isang party nang hindi nagpapaalam kay
Mama na noon ay galit sa akin dahil sa nabasag kong baso.
Ala una na
noon nang makauwi ako at nagtataka ako kung bakit kasama ni Mama ang isa kong
kalaro. Naisip ko na baka ipinagpalit na ako ni Mama.
"Kanina
ka pa hinahanap at hinihintay ng Mama mo," bulong nito sa akin.
Natakot ako
noon sa sinabi ng kalaro ko. Lalo pa nang lumapit na si Mama. Akala ko ay
maninigaw ito pero hindi. Hindi ito nagsalita. Sa halip ay yumakap lang ito ng
mahigpit sa akin.
"Inis
ka pa sa akin?" tanong ko.
"Oo. Naiinis ako sa iyo. Inis na inis. Inis na inis ako sa iyo kasi pinag-alala mo
ako," mangiyak-ngiyak na sagot nito.
At eto na
yata ang huling sandali na nagpayakap ako sa kanya nang ganoon katagal, yakap
na noon ay parang ayaw kong kumawala.
10:
Nagsimbang
gabi ako. At doon ay nakita ko ang isa kong classmate. Hindi ko alam kung ano
ang pumasok sa akin at inubos ko ang pera kong pambili sana ng puto bungbong at
bibingka para magpa-impress sa kanya. Hinulog ko ang lahat ng pera ko sa
dalawang beses na pag-ikot ng mga basket noon. Bawat gabi ay makikita ko siya
kaya bawat gabi rin ay mauubos ang pera ko. Nakumpleto ko ang simbang gabi
dahil sa kanya at hiniling ko na sana maging crush niya ako.
Naghintay
ako at mula noon ay hindi na ako kumumpleto ng simbang gabi.
11:
Nagpunta
kami noon sa perya. Niyaya ako ni Mama na sumakay sa Ferris wheel. Pero takot
ako sa matataas. At alam kong ganoon din si Mama.
Si Mama at
si Kat lang ang sumakay. Pagbaba nila ay tuwang-tuwa sila.
"Akala
ko ba takot ka sa matataas kaya ayaw mong sumakay sa Ferris wheel?" tanong
ko.
"Hindi
ba dapat maging masaya ako na first time kong makasakay ng Ferris wheel?"
matalinong sagot ni Mama.
12:
Monito
monita noon. Excited ang lahat kung sino ang nakabunot sa kanila pero ako,
hindi. Alam ko na kasi kung sino ang nakabunot sa akin. Si Rence ang nakabunot
sa akin, si Rence na noon ay hindi makapasok sa school dahil naaksidente ito,
dahilan upang wala akong matanggap araw-araw.
At dumating
na nga ang hinihintay nilang revelation kung sino ang nakabunot sa kanila,
again nila. Laking gulat ko na nang matapos ang bigayan ng regalo kung saan
wala akong natanggap, lumapit sa akin ang isang taong hindi ko inaakalang
lalapit sa akin sa araw na iyon- ang crush ko! May dala itong regalo para sa
akin! National Geographics!
At
natumbasan ng isang National Geographics lahat ng regalong hindi naibigay sa
akin ni Rence sa monito monita.
13:
Monito
monita noon. Excited ako. Talagang hinanap ko ang papel ni Mara para
maregaluhan ko siya, (si Mara na tatlong taon ko palang kababaliwan). At
nagtagumpay ako.
At sa bawat
araw na magbubukas si Mara ng mga regalo ay alam ng lahat na sa akin galing ang
mga iyon- ang T-shirt for something soft, ang dalawang jar ng stick-o for
something sweet, isang grandfather clock for something hard. At alam ng lahat
lalo ako- na hindi niya iyon na-appreciate...
14:
Nabasa ko
ang A Christmas Carol ni Charles Dickens at ang How The Grinch Stole Christmas
ni Dr. Seuss. Naawa ako kay Scrooge at kay Grinch. Naawa ako sa sarili ko.
15:
Sumama ako sa
mga kaibigan kong mangaroling pero nang makauwi ako ay nagalit pa si Mama.
"Bakit
ba kasi kailangang gabi kayo mangaroling?" tanong ni Mama.
"Bakit?
Umaga ka ba nangaroling noon?" pabalang kong bato rin ng tanong.
At pak!
16:
Naging kami
ni Grace. Dahil kay Grace ay naniwala ako sa tatlong bagay. Una, na guwapo ako.
Ikalawa, naniwala akong may mai-in love din pala sa akin. Ikatlo, na maaaring
matupad ang Christmas wish mo. Subalit dahil din kay Grace ay naniwala akong
kasinungalingan ang number two and three.
17:
At ang
labing pitong bagay na nabanggit ko ay ang tinatawag kong mga Past-Ko, labing
pitong Paskong ngayong Pasko ay aking inaalala dahil naniniwala akong ang
nakaraan ay hindi nga binabalikan pero nililingon naman kahit minsan.
Nililingon dahil masaya at kung malungkot naman ay nagpapalakas sa atin at
nagbibigay ng aral.
Dahil sa
Past-Ko, lagi kong gustong sabihin kay Mama na naniniwala pa rin ako kay Santa
Claus dahil ang Santa Claus na kilala ko ay lagi kong kasama sa bahay.
Dahil sa
Past-Ko, lagi kong naaalala si Karen, si Karen kung saan isinulat ko sa kanyang
lapida ang mga salitang, "You never walked but you left us footprints in
our hearts."
Dahil sa
Past-Ko ay hindi ko na kinailangang magpunta sa SM para damhin ang Pasko,
lumabas para mangaroling at damhin ang Pasko, dahil ang Pasko ay wala sa simoy
ng hangin kung hindi nasa puso, ang pusong nakakahanap ng aliw sa mga maliliit
na bagay may pera man o wala basta may pagmamahal.
Dahil sa
Past-Ko ay natutunan kong ubusin ang kinuha kong pagkain at wag magtira dahil
maraming batang nagugutom at nangangaroling sa jeep para lang madama ang Pasko.
Na anumang laki ng problema mo para sa iyo ay may taong mas malaki pa ang
problema sa iyo at ang katapat ng mga malalaking problema ay gahiganteng
pananalig.
Dahil sa
Past-Ko ay hindi na muli sumagi sa utak ko na maglayas at maghanap ng Pasko sa
labas sapagkat ang Pasko ay hindi dumadalaw sa mga bahay-bahay o gumagala kung
hindi madalas na laging nasa bahay.
Dahil sa
Past-Ko ay may dahilan para maghintay at magpatuloy gaya ng paghihintay at
patuloy kong pagpunta sa simbang gabi dahil sa crush ko.
Dahil sa
Past-Ko ay may excuse kang maging masaya kesa matakot, excuse na ginawa rin ni
Mama nang una siyang sumakay sa Ferris wheel.
Dahil sa
Past-Ko ay may sorpresa at pag-asa, sorpresa at pag-asang hinatid sa akin ng
crush ko noon sa monito monita. Dahil na rin sa Past-Kong iyon ay nasa akin pa
rin ang National Geographics na iyon.
Dahil sa
Past-Ko ay nalaman kong mas masarap din palang magmahal kesa mahalin, magbigay
kesa bigyan, magpasaya kesa mapasaya.
Dahil sa
Past-Ko ay kayang maging mabait, magpatawad at magbigay ng lahat kahit isang
araw lang.
Dahil sa
Past-Ko ay natutunan kong i-reward ang sarili ko, magpasalamat at ipasa-Diyos
at ipasaagos ang bagay-bagay.
Ito ang
nasasaisip ko sa mga nakalipas na araw ngayong Disyembre kung saan ako ay
masaya pa ring sumusubaybay sa mga campus journalists ng aking high school,
masayang dumadalo sa aming klase tuwing Linggo, masayang sumasama sa high
school friends ko sa mga party at shopping at masayang sumasama naman kay Kat
at Mama sa panonood ng mga pelikula sa bahay man o sa sinehan.
Ang mga
taong ito ang nagturo sa akin na ang Pasko ay hindi lamang isang araw sa
kalendaryo na hinihintay nating lahat. Ang Pasko ay isang lugar kung saan ikaw
ay masaya. Ang Pasko ay maaaring araw-araw.
Ito ngayon
ang aking Pasko na sa susunod na taon ay mapapabilang na sa Past-Ko.
With all
honesty, this Christmas is a near-to-perfection Christmas present for me, a
present that should always be present in these present times.
Image Sources:
Image Sources: